Wednesday, April 2, 2008
TITLE: wala pa
alam mo bang, nong nakilala kita
bumukas ang isip ko sa iba't ibang kadiring bagay
ang bading mo kasi, ang dami mong kalokohan
pero dahil din sa yo, sulit ang oras ko sa kalayaan
nakapanghihinayang din
doo'y lubos ang tuwa natin
at sa ating paglisan
naisip mong tapos na ang kasiyahan pero
chorus:
wag kang mag-alala kapatid
asahan mong samahan natin ay di mapapatid
lumipas man ang oras, mag - iba man tayo ng landas
naniniwala akong samahan natin ay di magwawakas.
inuman magdamag, kuwentuhan at kalokohan
o kay sarap balikbalikan
at sa ating paglisan, tandaan mo
ang pabaon sa ting ginintuang pagkakaibigan
nakalulungkot mang isipin
pero kailangan nating tanggapin
na lahat ng bagay ay may katapusan ngunit
(chorus)
8:30 AM